Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Wish ko lang, 'di siya matalo… Aktor-pulitiko, lunod na lunod sa mga papuri, todo-bilib na may 'k' nang tumakbo sa mas mataas na posisyon, biglang-laki ng ulo

January 16, 2020

BLIND ITEM:

 

Medyo nakakaramdam na ng tam­po ang mga dating kaibigan at ka­tropa ng isang actor-turned politician. Kung dati-rati kasi ay may panahon ito kahit gaano pa siya kaabala bilang public ser­vant, ngayon ay ang laki-laki na raw ng ipinagbago nito.

 

Iba na rin ang kanyang aura at mukhang hindi na talaga basta-basta mari-reach at ma­kakausap. Marami nang paanyaya ang hindi niya nasisipot. Kahit na ‘yung may nai-set nang appointment sa kanyang opisina ay bigla-bigla na lang daw niyang ikina-cancel.

 

Dati-rati ay napakalapit niya sa entertainment press, pero ngayon ay hindi na niya ha­los pinapansin ang mga taong nakasama niya noong isa pa lang siyang baguhan. Ka­ya hindi masisisi kung unti-unti na ring nag­sisilayo ang mga ito at hindi na umaasa pang mabibigyan sila ng panahon at aten­siyon ng actor-politician.

 

Mukhang tuluyan na ngang nalunod sa mga papuri ang actor-politician lalo na kapag sinasabi ng kanyang mga rah-rah boys na pu­wedeng-puwede na siya sa mas mataas na po­sisyon sa gobyerno.

 

Sana nga, huwag siyang masilat sa kan­yang ambisyon.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr