Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Tropa ni P-Digong, tutuluyan ng International Court

January 16, 2020

Pablo L. Hernandez III / Prangkahan

 

KAHIT INIATRAS NI ATTY. SABIO ANG KASO SA ICC, TULOY PA RIN ANG KASO LABAN SA TROPA NI P-DUTERTE—Iniatras na ni Atty. Jude Sabio ang isinampa niyang kasong crimes against humanity sa tropa ni P-Duterte sa International Criminal Court (ICC), pero ayon mismo sa ICC-Prosecutor’s Office, hindi na raw puwedeng bawiin ang demanda o ibig sabihin ay tuloy ang kaso!


Sa tema ng statement ng ICC, tila tutuluyan talaga sa kaso ang tropa ni P-Duterte, hu-hu-hu!


◘◘◘


UNFAIR ANG TRATO NG PANGULO SA MGA MARINES KUMPARA SA MGA MANGINGISDA AT MAGSASAKA—Ayon kay Sec. William Dar ng Department of Agriculture (DA), handa ang gobyerno na magpautang ng P25,000 sa bawat mangingisda at magsasaka na biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal. 


Samantala, nag-viral naman ngayon sa social media ang pamumudmod diumano ni P-Duterte ng P50,000 para sa mga Marines na nag-birthday o magbi-birthday pa lang ngayong Enero.


Ganyan ang pangulo natin, unfair! Isipin mo ‘yun, ‘yung mga kababayan nating biktima ng kalamidad, pauutangin ng P25,000 pero ang mga Marines, nag-birthday lang, may P50,000 na? Tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


CCG NA NAGTATABOY SA MGA MANGINGISDANG PINOY, WELCOME SA ‘PINAS—Nang pumasok sa teritoryo ng Indonesia ang China Coast Guard (CCG), itinaboy sila ng tropa ni Indonesian Pres. Joko Widodo. Pero nang pumasyal sa Pilipinas ang CCG na nagbabawal sa mga Pinoy na mangisda sa West Philippine Sea (WPS), aba, sinalubong at sinaluduhan pa ni Philippine Coast Guard (PCG) Commander Adm. Joel Garcia.


Onli in da Pilipins lang na ang CCG na puwersang-militar ng China na nagtataboy sa mga mangingisdang Pinoy sa dagat ng Pilipinas, kapag pumunta sa bansa ay wine-welcome na, sinasaluduhan pa ng commander ng PCG, buwisit!


◘◘◘


P-DUTERTE, NAGLABAN-BAWI SA PAGSIBAK KAY GUERRERO SA CUSTOMS—Matatandaang naunang inalok ni P-Duterte kay Davao City Businessman William Lima ang puwestong Customs commissioner para palitan sa posisyon si Comm. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero dahil sa pagkabigo nitong makakolekta ng sapat na buwis sa Adwana. 


Pero kamakailan lang ay biglang binawi ng pangulo ang kanyang alok kay Lima at sinabing buo pa rin daw ang tiwala niya sa kasalukuyang Customs chief.


Ano kaya ang dahilan at naglaban-bawi si P-Duterte sa pagsibak kay Comm. Guerrero? Abangan!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr