Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Total deployment ban sa Kuwait, aprub — POEA

January 16, 2020

 

Inaprubahan na ng governing board ng Philippine Overseas Employment Administration ang resolusyon para sa total deployment ban ng mga manggagawang Pinoy patungong Kuwait.


Ito ay batay na rin sa rekomendasyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III.


Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, ang total deployment ban ay magiging epektibo simula bukas. Sakop aniya ng ban ang lahat ng mga skilled worker.


Habang exempted naman dito ang mga tinatawag na balik-manggagawa at professionals.


Una nang nagpatupad ng partial deployment ban sa Kuwait kung saan pinagbabawal muna ang pagpapadala ng mga Household Service Workers kasunod ng pagkamatay ni Jeanelyn Villavende.


Pabor naman si Justice Sec. Menardo Guevarra sa hakbang na ito. Ayon kay Guevarra, ang kaso ng pagkamatay ni Villavende ay hindi naman ang unang pagkakataon na may namatay na OFW sa Kuwait.


Bukod pa rito, mayroon na rin aniyang bilateral agreement ang gobyerno ng Pilipinas at Kuwait pero, may namatay pa ring OFW.


Matatandaang, nabuo ang bilateral agreement  na ito matapos ang pagkamatay ng OFW na si Joana Demafelis na natagpuan sa loob ng isang freezer.
Samantala, pasok na rin ang Department of Justice sa pag-iimbestiga sa pagkamatay ni Villavende.


Ayon Guevarra, handa silang makipag-collaborate sa Kuwaiti government para sa gagawing imbestigasyon.


Maaari rin aniyang magamit na ebidensiya ang autopsy report ng National Bureau of Investigation sa labi ni Villavende sa gagawin nitong imbestigasyon.


Gayunman, magkakontra ang resulta ng awtopsiya na ginawa ng NBI at ng Kuwait. Batay sa resulta ng pagsusuri ng NBI, nakaranas ng pang-aabusong sekswal si Villavende na hindi nakasaad sa report ng Kuwait.


Inamin din ng kalihim na may ilang internal organs si Villavende ang hindi  naibalik pa at nasa Kuwait.


Maaaring ito aniya ay dahil sa  kailangan pa  ang mga ito para sa karagdagang imbestigasyon.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr