Tibong nagkagusto sa BFF, isinasama sa double date para maging tunay na babae, pero sobrang hurt

January 16, 2020

 

 

 

Dear Roma, 
Ako si Alexie, 27. May problema ako at sa tingin ko ay parang walang solusyon dito. Bata pa lang ako ay kakaiba na ang mga nagugustuhan ko. Hindi ako naglalaro ng manika at ang hilig ko ay basketball. Ang mas matindi ay ang pagkagusto ko sa aking bestfriend na si Mae mula nang bata kami hanggang ngayon. Seryoso ako sa nararamdaman ko sa kanya at hindi ko rin maintindihan kung bakit ako ganito.  Madalas kong sabihin sa kanya na in love ako sa kanya at siya ang gusto kong makasama habambuhay at hindi ko kaya kung wala siya, pero hindi siya naniniwala sa akin. Palagi niyang sinasabi na niloloko ko lang siya at tigilan ko na ang pagbibiro sa kanya. Tuwing yayayain niya ako ng double date, pumapayag ako dahil mahal ko talaga siya kaya tinitiis ko kahit nahihirapan ako basta maging masaya siya at makasama ko siya. Ano ang dapat kong gawin? Salamat sa inyong payo sa akin. —Alexie

 

Alexie,
Hindi ko maiaalis sa iyo ang magkagusto sa isang tao dahil lahat tayo ay nakaranas ng ganyang damdamin. Ang kaso ay hindi maganda at mali na ma-in love ka sa kapareho mo ring babae. Tinutulungan ka niyang magbago sa paraan na alam niya kaya nagdo-double date kayo para magkagusto ka sa tamang tao at ‘yun ay lalaki. Mahal ka ng kaibigan mo. Tanggapin mo ang katotohanan na ang babae ay para sa lalaki 
Good luck! 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.