Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Taal Volcano Island, idineklarang “no man’s land”

January 16, 2020

 

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na ideklarang “no man’s land” ang Taal Volcano Island matapos itong lumubog sa abo sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.


Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kinatigan ng pangulo ang suhestiyon sa gitna ng evacuation efforts sa mga lugar na matinding naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.


Ipinaliwanag ng kalihim, na dapat ay huwag nang magpabalik ng tao sa nasabing lugar dahil sa oras na may maganap na eruption, lahat ng mga tao roon ay tiyak na mamamatay.


“As of this moment, Taal Volcano continues to be on the Alert Level 4. Medyo wala munang babalik doon hangggat hindi makakalma,” sabi ni Duterte sa kanyang pagbisita sa mga naapektuhang pamilya sa Batangas City.


“Nobody is allowed to go back until such time that you are safe,” wika pa nito.


Gayunman, tiniyak ni Año na unti-unting gagawin ang deklarasyon dahil ihahanda pa ang relokasyon para sa mga residente.


Una nang nagbabala ang Punong Ehekutibo sa mga residente na huwag na munang magsibalik sa kanilang mga bahay hanggang  mapanganib pa roon.


Matatandaang, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na anumang oras o araw ay posibleng sumabog pa ng malakas ang bulkan.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr