Prutas at gulay na na-ashfall, safe kainin — DOH

January 16, 2020

 

Kinumpirma ng Department of Health na ligtas kainin ang mga prutas at gulay na natabunan ng abo mula sa mga nangyayaring pagsabog ng Bulkang Taal.


Ito ang ibinahagi ni Health Undersecretary Eric Domingo, kahapon.


“‘Yung gulay saka prutas na nalagyan ng abo basta hugasan lang nang mahusay ‘yun at linisin, puwede po kainin ‘yun,” paliwanag ni Domingo.


Ito ay kasunod ng ulat ng Department of Agriculture na P578 milyon ang idinulot na pinsala ng Taal eruption sa agrikultura.


Kasama sa 2,772 ektaryang naapektuhan ay tinatamnan ng palay, kape, cacao, saging at iba pang high-value crops. Kaiba sa mga hayop, hindi umano nakalulunok ng ‘toxins’ ang mga halaman mula sa volcanic ash ng Taal.


Matatandaang, una nang nagbabala ang DOH tungkol sa pagbili at pagkain ng mga isdang nakukuha mula sa lawa ng Taal at Batangas, bagay na maaari umanong maging sanhi ng food poisoning.


Sa kabila nito, naninindigan ang ilang taga-Tanauan, Batangas na ligtas mula sa lason ang isdang nahuhuli mula sa lawa.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.