Para hindi mag-panic at sure na safe... Mga dapat gawin ‘pag sumabog ang bulkan

January 16, 2020

Ginulat ng pagsabog ng Bulkang Taal ang ikalawang linggo ng Bagong Taon kung saan ngayon ay nakataas pa rin ito sa Alert Level 4. Hindi tulad ng lindol, may mga senyales ang bulkan bago sumabog — pamamaga, paggalaw, pagbitak-bitak at pag-umbok ng lupa at iba pa. 


Pero ayon kay Janine Krippner, physical volcanologist, ang senyales ng volcanic eruption ay nagbabago — moderate ito na nakikita, pero madalas ay halos biglaan at ang mga ganitong senyales ay mahigpit na binabantayan ng mga eksperto, partikular sa mga bulkan na malapit sa mga residential area.


Sa ilang araw na pag-aalburoto ng Bulkang Taal, libu-libong residente na ang apektado, hindi lamang ang Southern Luzon kundi maging ang mga karatig-lugar nito. 


Sa kasagsagan ng pagsabog ng bulkan — malapit man tayo o malayo, narito ang mga bagay na dapat nating tandaan:


1. PAGHANDAAN ANG EMERGENCY SUPPLY. Isa sa mga bagay na dapat paghandaan ay ang emergency kit. Dito natin ilalagay ang mga supply tulad ng pagkain, tubig, face mask, over-the-counter (OTC)/prescribed medicines at battery-powered radio. 


Siguraduhing ang mga ihahanda ay sapat sa bawat miyembro ng pamilya at huwag ding kalimutan ang para sa mga pet. Sa pag-iimpake, kunin lamang ang mga mahahalagang gamit at ilang damit. Gayundin, makabubuti kung ang ihahandang supply ay pang-isang linggo. 


2. TUMUTOK SA BALITA AT UPDATES. Media ang isa sa mga pangunahing paraan na ginagamit ng mga sangay ng gobyerno, partikular ang lokal na pamahalaan upang bigyan ng instructions at iba pang abiso ang mga tao. Makinig, manood at magbasa nang maigi ng mga balita dahil sa panahon ng sakuna, mahalaga na alam natin ang mga nangyayari sa ating paligid.


3. MANATILI SA BAHAY O EVACUTION CENTER. Kung kabilang kayo sa mga residente na pinalikas, makabubuti kung mananatili lamang sa evacuation center habang hindi pa ligtas sa labas. Ang volcanic ash o ashfall ay mapanganib sa kalusugan, lalo na sa may sakit sa baga tulad ng asthma o bronchitis. Kaya kung wala pang ibinababang abiso  mula sa mga awtoridad, makabubuti kung mananatili kayo sa loob ng inyong bahay. Isarado pansamantala ang mga bintana at pintuan nang sa gayun ay walang makapasok na volcanic ash.


4. SIGURADUHING MAY SAPAT NA KOMUNIKASYON. Makabubuti kung iiwasan natin ang paggamit ng cellphone o social media kung gagamitin lamang ito sa walang kuwentang bagay o pagpo-post ng mga memes o anumang hindi  makatutulong sa mga nangyayari. Ilaan ang baterya nito para sa mga emergency call o pag-contact sa mga kamag-anak. 


5. I-CHECK ANG ELECTRIC WIRING AT WATER PIPE. Kung may sapat na oras pa bago lumikas, siguraduhing i-check ang mga electric wiring at water pipe. Ibaba o isara ang fuse ng kuryente, metro ng tubig at tangke ng gaas.  Gayundin, kung sakali man na pabalikin na kayo, ito ang una sa mga bagay na dapat i-check dahil siguradong sa paggalaw ng lupa sa loob ng ilang oras, posibleng naapektuhan ang mga ito.


Gayunman, tandaan na gaanuman tayo kahanda, may abiso man mula sa mga eksperto, walang nakaaalam o tiyak na panahon kung kailan mangyayari ang mga ganitong kalamidad. 


Ang paalala natin sa lahat, palaging maging alerto, sumunod  at makinig sa mga awtoridad, ‘wag pairalin ang pagiging pasaway dahil kailanman ay hindi nito maisasalba ang ating buhay. Keep safe, mga ka-BULGAR!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.