Mister, bitbit sa seminar... Gov’t. official, sinuspinde

January 16, 2020

 

Nahaharap sa 90-araw na suspensiyon ang isang opisyal ng Mindanao Development Authority (MinDA) dahil umano sa pagbitbit ng kanyang asawa sa isang seminar, gamit ang pondo ng gobyerno.


Sa apat na pahinang resolusyon ng Sandiganbayan, hindi muna pinapayagan si MinDA Finance and Administrative Services Director Charlita Andales Escano na gawin ang tungkulin nito habang isinasagawa ang imbestigasyon sa reklamo laban sa kanya.


“Verily, the conditions for preventive suspension have been satisfied and the court is duty-bound to issue the order of suspension against accused as a matter of course. Wherefore, premises considered, accused Charlita Andales Escano is hereby suspended pendente lite, as Director IV, Office of  Finance and Administrative Services, MinDA, and from any other public positions she may now or hereafter hold, for a period of 90 days from receipt of this resolution,” ayon sa resolusyon.


Una nang kinasuhan ng Office of the Ombudsman si Escano ng paglabag sa Section 3e ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act noong Hulyo 11, 2018 nang isama nito ang kanyang mister na si Alan sa Basic Occupational Safety and Health Course para sa mga Construction Site officer na ginaganap noong Marso, 2015 gayung hindi naman ito kawani ng ahensiya.


Inaakusahan ng Ombudsman na ginamit ni Escano ang pondo ng pamahalaan para bayaran ang P6,000 registration fee  ng  asawa nito bilang delegado sa safety and health course.


Ipinadala na ng Sandiganbayan ang kopya ng suspension order laban kay Escano sa Department of Interior and Local Government (DILG) upang maipatupad ito.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.