Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Mga abusadong negosyante na todo-taas-presyo ‘pag may kalamidad, tuluyan!

January 16, 2020

Sa gitna ng dinaranas na sitwasyon kaugnay ng pagsabog ng Bulkang Taal, hindi maiwasang makadagdag sa alalahanin ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.


Hindi lamang pagkain na direktang naapektuhan ng pagsabog kundi maging ang iba pang produkto tulad ng mga gamot.


Kaugnay nito, iniutos na ng Department of Health (DOH) ang price freeze sa mga gamot, ganundin sa mga face mask at nebulizer, partikular sa mga lugar na naapektuhan ng pagsabog.


Kabilang sa mga nasa ilalim ng price cap ang mga paracetamol, antihistamine, antibiotics, dextrose fluids at disposable masks na una nang naiulat na tumaas nang bahagya.


Ang nasabing kautusan ay tatagal hanggang hindi pa natatapos ang nasabing insidente.


Sa ganitong mga  pagkakataon, lalong hindi dapat manaig ang panlalamang sa kapwa. Imbes isipin kung paano kumita, ang dapat ginagawan natin ng paraan ay kung paano makatutulong sa mga biktima ng kalamidad. Hindi ‘yung nakalugmok na sila, ibinabaon pa natin sa hirap.


Panawagan lang natin sa DOH at sa iba pang ahensiya ng gobyerno, kung may mahuhuling mapagsamantala, tuluyan agad! Huwag hayaang makalusot sa kung anu-anong dahilan. 


Malinaw na panloloko ang ginagawa ng ibang negosyante na porke mataas ang demand ay biglang itataas ang presyo ng produkto, samantalang, nakuha nang mura at nakatambak lang sa bodega! 


Tigilan na ‘yang istayl n’yong bulok, bistado na kayo at wala na kayong maloloko!


Kung noon, mabenta ang diskarte n’yo, pwes, hindi na ngayon! ‘Pag nahuli at may ebidensiya, tanggal-lisensiya. Hindi na nga nakatutulong, magugulang pa! 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr