Lucky Saver vs. Case Bell sa San Lazaro Park

January 16, 2020

 

 

Walang nangyaring aberya sa mga karerahan sa Cavite at Batangas maging sa alagang kabayo nang pumutok ang bulkang Taal.  

 

 

Patunay ito na nagkaroon ng magandang pista ang Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa karera noong Martes, Miyerkules, ngayong Huwebes at sa Biyernes sa Carmona, Cavite kasunod ng nakatakdang karera sa Sabado at Linggo sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.


Magaganap ang tig-anim na karera sa Carmona race track sa araw ng Huwebes at Biyernes.  Kasabay nito bibitiwan ang Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super 6.


Sa Race 1, unang magaganap ang Pick 6 at nakalalamang ang Lucky Saver at makakalaban ang Case Bell. Sa Race 2, magsisimula ang Pick 5  ay nakalalamang ang beyond D’Sea laban sa Here I Am at Baling Rikit. Sa Race 3, nakalalamang ang couple entry na Miss Marshall at Trust Worthy habang magsisilbing kalaban ang Hail Storm at rockaway na simula ng Pick 4.


Ipinapatok ang Strong Leader, habang ang Now ang Forever Artikulo Uno at Gee’s Song ay magsisilbing kalaban sa Race 4. Sa Race 5 ipinapatok ang Murika, habang makakalaban sa Forecast ang Forest Cover, Already Feisty at Sky Hook.


Sa Race 6, nakalalamang ang couple entry na Eyeshot at Be Humble, laban sa Kingdom, couple entry na Easy Landing at Huckleberry.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.