Lindol at pagbitak-bitak ng lupa sa Batangas, sign ng pambihirang pagsabog!

January 16, 2020

Ka Ambo / Bistado

 

Tuluy-tuloy ang paglindol sa Batangas.


Sinundan ito ng pagbibitak-bitak ng lupa sa maraming lugar.


Aktuwal na senyales ito ng pambihirang pagsabog!


◘◘◘


LAGANAP na rin ang fish kill.


Maraming hayop ang namatay.


Maraming puno at halaman ang mamamatay at matutuyot!


◘◘◘


MASUWERTE namang nailigtas ang ilang kabayo, baka, kalabaw, kambing, manok, bibe at iba pa.


Kabilang ang mga hayop sa mga survivors!


◘◘◘


NATUTUYOT na rin ang isang ilog at umatras ang dalampasigan.


Pinangangambahan ang landslide at patuloy na pagbagsak ng ilang bahay.


Hindi biro ang nararanasan ng Batangas — isang lalawigan na may malaking populasyon!


◘◘◘


EPIDEMYA ang kasunod ng trahedya.


Ang krisis sa ekonomiya ay tiyak na mararamdaman sa rehiyon at maging sa buong bansa!


◘◘◘


NATABUNAN ng pagsabog ng Bulkang Taal ang ulat sa mga biktima ng Bagyong Ursula noong Pasko.


Nasapawan din ang mga biktima ng lindol sa Mindanao at malaking baha sa Cagayan Valley!


◘◘◘


NANANATILING ligtas ang Metro Manila mula sa matitinding kalamidad.


Hindi dapat magpakampante, dapat maghanda ang Metro Manila sa sorpresang trahedya tulad ng nangyari sa Batangas!


◘◘◘


WALANG espesyal na aksiyon ang Malacañang para matulungan ang mga Batangueños.


Hindi biro ang krisis dahil malaking populasyon ang naapektuhan nito!


◘◘◘


HINDI sapat ang evacuation center para saklolohan ang mga biktima na mahihirapan nang makabalik sa orihinal na tirahan.


Hindi ito ordinaryong sitwasyon!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.