Kaya 'di raw tumulong agad sa mga biktima ng Taal eruption… Hirit ni Vilma: Mga pulitiko sa Batangas, ayokong agawan ng eksena!

January 16, 2020

Erlinda Rapadas / Teka Nga

  

May paliwanag na si Congw. Vilma San­tos-Recto kung bakit hindi siya visible no­ong pumutok ang Bulkang Taal na na­kaapekto sa mga bayan tulad ng Talisay, Agoncillo, Lemery, Lipa, atbp..

 

Marami ang inabot ng makapal na ashfall at nasalanta ang mga pananim ga­nu’n din ang mga alagang hayop ng mga residente.

 

Ilang terms ding naging mayor ng Lipa City ang Star for All Seasons kaya natural lang na hinahanap ng marami ang kanyang presence sa panahon ng ka­lamidad sa lalawigan ng Batangas.

 

Sa naging pahayag ni Ate Vi sa radio interview sa kanya noong Linggo at Lu­nes (Jan. 12 and Jan. 13), sila ay nasa Ba­guio City dahil doon nag-celebrate ng kaarawan ang asawang si Senator Ralph Recto. Pero nang nakarating sa kanya ang balita tungkol sa pagputok ng Bul­kang Taal, kumilos agad ang congresswoman ng lone district ng Lipa City.

 

Hindi naman siya basta-basta maka­kaaksiyon dahil nariyan pa ang gober­nador ng Batangas na si Dodo Manda­nes at si Vice-Governor Mark Leviste, ganu’n din ang mga mayors ng Talisay, Agoncillo, Lemery, Lipa, Taal, atbp..

 

Ayaw niyang sapawan o alisan ng ka­rapatan ang mga dapat mamuno sa lalawigan ng Batangas. Pero anytime, handa siyang tumulong sa mga nasa­lanta.

 

Sa gitna ng malaking pinsala sa ma­raming bayan na nasa paligid ng Taal Lake, naniniwala si Congw. Vilma na ma­kakabangon ang mga Batangueños na likas na masisipag at matibay ang loob.

 

Madasalin din daw ang kanyang mga kaba­bayan kaya alam niyang kayang lagpasan ng mga Batangueños ang pagsu­bok ng kalikasan.

 

Nagpapaabot din ng pasasalamat ang Star for All Seasons sa lahat ng ta­ong tumulong, nag­bi­gay ng mga donations para sa mga kaba­bayan niyang na­­­salanta ng pagputok ng Taal Volcano.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.