Isang tao lang naman daw ang nakinabang… P10k na tulong ni Alden, ipinagyabang pa raw ng padir sa socmed, binanatan

January 16, 2020

Beth Gelena / Bulgary Files

 

Hindi nagpatumpik-tumpik ang ama ni Alden Richards na si Richard Faulkerson sa pagtatanggol sa anak dahil sa tweet ng isang netizen.

 

Ani ng netizen: “#taalvolcano­erup­tion2020 MUNA ALDEN, panahon mu­na ng pakikidalamhati SAYANG NA­MAN ang pagiging maka-DIYOS mo. Bukas mo na lang ulit buhatin ang gru­po mo kasama na sarili mo. BAYANI­HAN muna para sa #PrayFor­Phil­ip­pines #TaalVolcanoAshfall Huwag mu­na pabida at pabibo kung maaari lang.”

 

Depensa ng ama ni Alden, “Isang tao pa lang ‘yan boss. Kahapon ng umaga, kahit malayo s’ya du’n sa dapat mabig­yan ng tulong, may ginagawa na ‘yan. Thank you.”

 

Nataong nasa Japan daw kasi ang Kapuso actor nang sumabog ang Bulkang Taal. Umalis umano ang grupo ni Alden nu’ng Sabado (Jan. 11) at kinabukasan (Jan. 12) naman sumabog ang Bulkang Taal.

 

Nang malaman ni Alden ang nang­yaring disaster ay agad nag-chat ang ak­tor sa ama, nagtatanong kung may P10 K si Daddy Bae at pahiramin daw muna siya at ibabalik na lang nito.

 

Ipinost ni Daddy Bae ang chat ni Alden na, “Pantulong lang. Babayaran kita bukas.”

 

Ipinagtanggol din si Alden ng kan­yang mga fans sa nanghusga sa aktor.

 

Anila, “Grabe naman siya. Hindi niya alam? Taga-Laguna si Alden, doon naka­tira father niya, mga kapatid niya at lolo at lola niya at mga negosyo at empleyado niya, nasa Tagaytay. Masakit ‘yan sa tao dahil siya mismo, naapektuhan ng Mt. Taal.

 

“Hindi ba n’ya alam na bago pumu­tok ang Bulkang Taal, nasa Japan si Al­den at pauwi na?”

 

Isang netizen naman ang hindi na­gustuhan ang pag-post ng ama ni Alden tungkol sa P10 K na tulong ng aktor.

 

“Ipinost pa ang screenshot... humble brag,” comment nito.

 

Dahil sa P10K post ay nagsagutan na ang mga netizens sa social media.

 

Sabi ng mga maka-Alden, “Kasi may assumero na ‘di s’ya tumutulong, oh, eh di i-post na, ‘yun naman gusto n’yo, ‘di ba? Lahat ng gawin ni Alden, malaking issue sa inyo.”

 

“Comprehension ‘teh. The father post­ed it kasi may nagrereklamo na hindi raw tumutulong si Alden.”

 

Sabi naman ng anti-Alden, dapat daw ay hindi na ipinost ang amount. Isang tao lang naman daw ang nakinabang sa P10K.

 

Pero, bakit daw kasi hindi si Alden ang mag­salita o mag-reply nang sa gayun ay na­ririnig din naman daw ang kanyang explanation, hindi ‘yung tatay daw niya lagi ang namamagitan.

 

Minsan, dapat din daw na umaksiyon ang Ka­puso actor at ‘wag ma­takot na i-express ang sarili.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.