Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Inireklamo ng pang-aabuso, rumesbak… Barbie, pineperahan daw, dyulalay ipapa-Tulfo?

January 16, 2020

Julie Bonifacio / Winner!

 

Bago natapos ang 2019 ay nasangkot sa isang kontrobersiya ang Star Magic artist na si Barbie Imperial. Ito’y may kaugnayan sa dati niyang PA na nagsumbong sa radio program ni Raffy Tulfo.

 

At sa radio show din ni Tulfo ay nag­kausap over the phone si Barbie at ang dati niyang PA.

 

Sa ‘di inaasahang pagkakataon ay nag­kita kami ni Barbie sa ABS-CBN kama­ka­ilan. Special guest si­ya sa Banana Sundae at ha­bang break time ay naka­tsi­kahan namin siya.

 

Kinumusta namin kay Bar­bie ang “insidente” bet­ween her at dati niyang PA. 

 

“Ayos na po kami,” say ni Barbie.

 

Binayaran naman daw ni Barbie ang dati niyang alalay. Pero, ang nalokah lang daw siya ay nu’ng humihingi pa ng dag­dag ang ex-PA niya. Hindi na raw ito nagustuhan ni Bar­bie at ‘di na rin niya ibi­nigay ang hi­nihingi nito.

 

Nalaman daw ito ni Tulfo ka­ya nagalit sa ex-PA ni Barbie. 

 

O, ‘di ba, napaka-honest and straightforward ni Barbie suma­got at magkuwento! Kaya naman isa si Barbie sa mga pa­boritong katsikahan ng mga manu­nulat at bloggers. Palaban at wala kasi siyang inu­urungang tanong.

 

Naku, ‘pag humirit pa ulit ang ex-PA ni Barbie, siya na­man ang isusumbong ng Kapamilya star kay Tulfo.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr