Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Ibinebentang face mask, sobrang mahal daw, binanatan… Luis rumesbak, tinawag na tanga ang basher

January 16, 2020

Vinia Vivar / Frankly Speak

 

Sa panahon ng Taal crisis, mas inaatupag pa ng mga netizens ang mang-bash ng mga celebrities at politicians. Biruan nga ngayon sa show­biz, na­ka­katakot mag-post dahil ‘pag nagkamali ka ay kata­kut-ta­kot na pamba-bash ang aabutin mo.

 

Kapag nag-post ang artista halim­ba­wa na nasa ibang lugar siya habang pumu­pu­tok ang bulkan, asahan mong iba-bash na nila ito at sasabihing mas inuuna pa ang mag-enjoy gayung ma­raming kababayan natin ang naghihirap.

 

‘Yung mga nagpo-post na­man ng kanilang pagtulong, bi­na-bash din at sinasabi­hang hin­di na kailangang i-post ang mga tulong na gina­gawa. Ka­pag hindi ka naki­ki­tang nag-post ng pagtu­long, la­la­itin nila at sasa­bi­hang hindi man lang tu­mu­tu­long.

 

Really, hindi na malaman ng mga artista kung saan ila­la­gay ang kanilang sarili.

 

Isa nga sa mga naba-bash lately ay si Luis Manzano dahil sa N95 masks niya na ibine­ben­ta na napakamahal daw. Sinagot na ito ng host at ipina­liwanag ni­yang bago pa man ang Taal Volcano eruption ay ganu’n na ang presyo talaga ng mask dahil sa kalidad nito na nain­tin­­dihan naman ng ibang na­ka­ka­alam ng presyo ng pro­dukto.

 

Pero ayaw tumigil ng ibang bashers at iniisip na nagte-take advantage siya sa halip na tu­mu­long. Good thing, sinasagot lahat ito ni Luis na dapat lang para malaman ng iba nating kababayan ang side niya.

 

“Ineng, hindi lahat ng tulong kelangan makita, kung gusto mong ipakita - very good, kung ayaw mong ipakita - very good din. Ang kaya lang kasi ng utak mo ay social media, ‘di mo gets na may bu­hay sa likod ng lahat ng ‘to. 2020 na kami, nasa 19 tanga ka pa,” ang sagot ni Luis sa isa niyang basher.

 

At sa mga nag-aakalang walang na­i­tutulong si Luis, ipinost na ng kanyang inang si Batangas Representative Vilma Santos ang kahun-kahong donasyon niya para sa Batangas.

 

Caption ni Ate Vi: “Mara­ming salamat sa tulong mo, anak. I love you, Lucky.”

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr