Horoscope | Enero 16, 2020 (Huwebes)

January 16, 2020

 Maestro Honorio Ong

 

Sa may kaarawan ngayong Enero 16, 2020 (Huwebes): Kumiki­los ang iyong kapalaran sa ikagaganda ng iyong bu­hay. Ito ay mangyayari ka­hit magkamali ka sa iyong mga pagpapasya.

 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang maganda sa iyong pani­ngin, ‘yun ang piliin mo dahil ang magaganda ay nagsi­sil­bing inspirasyon sa bu­hay ng tao. Muli, kung ano ang maganda, ‘yun ang piliin mo. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-11-19-20-23-39-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Gawin mo na ang anu­mang gusto mong gawin, ang sinumang kumontra sa iyo ay langit mismo ang makababangga. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-19-27-29-30-33-36.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Magba­ba­likan ang mga tukso sa buhay mo. Sa pagkaka­taong ito, higit silang ma­lakas kaya magpakatibay ka at maging mas matatag. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-15-23-35-43.

 

CANCER (June 21-July 22) - Lumakas ang iyong karisma na masasabing isa na ring malakas na ga­yuma. Mag-ingat ka sa mga wala nang karapatan dahil sisirain nila ang iyong kapa­laran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-27-31-36-38.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Iwa­san mong ma­ging sobrang taas. Ipantay mo ang iyong sarili sa mga pangkaraniwan nang sa gayun ay sumaya ka at mag­karoon ng pagkakataong mapaunlad pa ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-24-39-40-46.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dumikit ka sa nakikita mong sinusuwerte, su­su­wertehin ka rin at ang ma­ganda pa, kapag nagawa mo ito ay magiging mas ma­suwerte ka kaysa sa mga di­dikitan mo ngayon. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-17-20-29-30-31.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lu­malago ang ha­laman ka­pag na­tatalbusan. Hu­wag mong isipin na kai­la­ngan kang maisahan ng mga mapagsamantala. Ito ay nag­sasabing mamuhu­nan ka sa bagong pagkaka­kita­an. Ma­suwerteng ku­lay-beige. Tips  sa lotto-18-22-26-31-34-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka ayon sa iyong mga plano. Hu­wag kang liliko sa kanan o kaliwa, ibig sabihin, kung ano ang naiplano mo, ‘yun mismo ang isagawa mo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­eng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-16-20-24-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lahat ng ikikilos mo ay dapat nakatuon sa mga pangarap mo. Sa ga­nitong paraan, mabilis mong maa­abot ang tagumpay at ang ga­nap na kaligayahan ay tiyak na tiyak na mapasa­saiyo. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-14-17-28-30-33.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong ipagpa­bu­kas pa ang mga gagawin mo ngayon. Ito rin ay nagsasabing ang na­darama mong pananamlay ay iyong labanan. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-20-24-35-37.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang mga kaga­napan sa iyong buhay. Hindi mo tututukan ang pagpapayaman dahil magiging abala ka sa mara­ming bagay, pero darami pa rin ang laman ng iyong bulsa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-43.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maaakit ka sa maganda, sasa­bihin ng mga nasa paligid mo na ikaw ay mahina, pero sa huli, maki­kita nilang mas gaganda ang buhay mo at nakagugulat, dahil ikaw ang gagawin ni­lang huwaran. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-9-14-15-26-35-39.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.