Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Fernandez, nagpayanig ng performance sa UAE

January 16, 2020

 

 

Nagpakita ng angas si untitled Pinoy woodpusher Dandel Fernandez  sa pamamagitan ng dalawang podium performances sa mga torneong sinalihan niya sa United Arab Emirates ngayong unang buwan ng kasalukuyang taon.


Itinakas ni Fernandez, pambato ng Maynilad Waters, ang walong panalo mula sa siyam na salang sa board upang pumangalawa sa 8th Abu Dhabi Classic Chess Tournament. Tinapos ng Pinoy ang paligsahang inorganisa ng Abu Dhabi Chess and Culture Club na kalahating puntos sa likod ng 8.5 puntos ng nagkampeon mula sa Jamaica na si Duane Rowe. 


Si Egyptian Erfan Abdulhamid ang kumuha ng pangatlong puwesto dahil sa natipong pitong puntos at mataas na tiebreak output.


Pagkatapos ng runner-up finish, sumabak si Fernandez sa Fischer Random Chess Tournament sa Sharjah kasama si International Master Oliver Dimakiling. Dito sa tunggaliang isinaayos ng Sharjah Chess Club, nakipaghatawan si Fernandez sa isang maigting na photo finish kasabay ang dalawang titled chessers na sina IM Mokliss El Adnani at Grandmaster Bartosz Socko. 


Ang troika ay nakaipon ng tig-aanim na puntos pagkatapos ng 7 rounds.


Kasama sa niyanig ni Fernandez, may rating na 1986 at nagkampeon noong pangsampung leg ng National Executive Chess Championships sa Tiwi, Albay, si Polish grandmaster Monika Socho noong round 7. 


Naging sapat ito para itulak siya sa huling upuan ng podium sa likod nina El Adnani at Bartosz Socho na kumuha ng una at pangalawang puwesto ayon sa pagkakasunod-sunod dahil sa mas mataas na tiebreak output.


Kalahating puntos sa likod ng mga nasa podium si Dimakiling na may bitbit na 5.5 puntos sa uri ng torneo kung saan naging world champion ang tubong Cavite na si Wesley So.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr