Elementong metal at water, mananaig ngayong year of the Rat

January 16, 2020

Forecast 2020

 

Ituloy natin ang pagtalakay ngayong taong 2020 kung saan ayon sa Chinese Astrology,  ang taong 2020 ay may animal sign na Rat at paghaharian ng elementong metal o bakal.

 

Ang taong 2020 ay tatawaging Year of the Metal Rat. Ibig sabihin, iiral ang elementong metal o bakal ngayong taong 2020 na kakumbinasyon ng likas na elementong taglay ng rat na tubig o water.


Sa madaling salita, dalawang elemento ang pangunahing mananaig ngayong taon, ang taglay na elemento ng 2020 na metal at ang likas na taglay na elemento ng rat na water. Ito ay nangangahulugan din na kung pagbabasehan ang elementong umiiral ngayong 2020 na metal at tubig, ang magiging mapalad na kulay ay metal na golden yellow, gray, white at silver. Dahil may elementong water o tubig ding iiral, ang magiging secondary lucky color ay blue o asul na siya namang kulay ng tubig.  


Upang malaman natin kung ano ang tataglayin nating kapalaran ngayong 2020, alamin muna natin ang sagot sa katanungang sinu-sino ang mga taong isinilang sa animal sign na rat? At bukod sa animal sign na taglay mo, kailangan ding malaman natin kung ano ang elemento na kaakibat ng taon ng iyong kapanganakan.


Tandaang, ang mga taong kabilang sa naiimpluwensiyahan ng animal sign na rat ay silang isinilang noong mga taong 1912, 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008 at 2020.


Para hindi kayo malito, tandaan na ang pagbalik ng animal sign ay tuwing ika-12 taon kaya kapag alam mong ang 1912 ay Year of the Rat, i-add mo ang 12 at tuluy-tuloy mo nang malalaman ang susunod na taon para sa animal sign na rat.

  • 1912+12=1924

  • 1924+12=1936

  • 1936+12=1948

  • 1948+12=1960

  • 1960+12=1972

  • 1972+12=1984

  • 1984+12=1996

  • 1996+12=2008

  • 2008+12=2020

  • 2020+12=2032

Ibig sabihin, sa lahat ng animal sign na iiral, palaging ganu’n, daragdagan mo lang ng 12 at ‘yun na ulit ang nakaraang animal sign, kahit saang animal sign ka pa nabibilang.

(Itutuloy)

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.