Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Delikado, hindi makaka-save ng tao sa ashfall — DTI.. Pekeng N95 masks, kalat na

January 16, 2020

 

Nagbabala ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga tindahang nagbebenta ng substandard o mababang kalidad ng N95 face masks.


Sa economic briefing sa Malacañang, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, na marami silang nakitang tindahan ng medical supplies na nagbebenta ng low quality N95 face mask.


“Kita mo sa material na ginamit at ‘yung hitsura, probably hindi rin siya maka-save ng tao mula sa ashfall. The N95 mask is a registered medical device, kailangan may sinusunod na standards kasi ginagamit sa medical processes,” sabi ni Castelo.


Bukod sa paglabag sa Consumers Act, sakaling mapatunayang hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang produkto at ibinebenta ito bilang medical supplies, sasampahan din sila ng reklamo ng FDA.


Makikipag-ugnayan din sila sa local government  units (LGUs) upang suspendihin o bawian ng business permit ang mga ito.


Hindi aniya hihinto ang pamahalaan sa pagpapanagot sa mga ito.


Kaugnay nito, ipinaliwanag naman ni Health Undersecretary Eric Domingo ang kaibahan ng substandard na N95 sa de-kalidad na klase nito. Aniya, ang low quality na N95 face mask ay manipis, malambot at hindi ganap na napoprotektahan ang ilong at bibig.


“Ang purpose kasi ng N95 ay halos less than 1 percent ang particles na makakapasok other than air,” ani Domingo.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr