Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Cavite, isinailalim na sa State of Calamity

January 16, 2020

 

Idineklara kahapon ang buong lalawigan ng Cavite sa ilalim ng State of Calamity. 


Ang pagdedeklara ay inaprubahan kahapon ng Sangguniang  Panlalawigan ng Cavite sa isang special session (Resolution No. 1389-2020) dahil sa epektong dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Linggo. 


Sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na maraming residente ng Batangas at Cavite ang lumisan sa kanilang tahanan matapos na ideklarang Alert Level No. 4 ang pagputok ng Bulkang Taal. 


Dagdag pa ni  Remulla na ang pagdedeklara  ng State of Calamity sa buong lalawigan ng  Cavite ay upang matulungan ang ibang mga nagsilikas sa kanilang bahay na kasalukuyan ay nasa evacuation centers. 


Makatutulong din ang pagdedeklara ng State of Calamity para  makapaglabas ng pondo.


Matatandaang, nauna nang nagdeklara ang Batangas ng State of Calamity noong January 13, bago sumunod ang Cavite.   

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr