2 nagdala ng relief goods, patay sa trak

January 16, 2020

 

Dalawa katao ang nasawi matapos salpukin ang kanilang sinasakyang trak sa National Highway, Bgy. Banay-Banay 1st, San Jose, Batangas.  


Kagagaling lamang sa isang relief operation upang magbigay tulong sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal ang mga biktimang sina Maximino Alantra, driver,  at Rio John Abel. 


Pauwi na ang sinasakyang Mitsubishi  Lancer nang salubungin at kainin ang kanilang linya ng Isuzu tractor head na minamaneho ng suspek na si Chris Charlie Peralta.  


Pumailalim ang unahang bahagi ng sasakyan sa trak hanggang sa mayupi kung saan matinding pinsala sa ulo at katawan ang kanilang tinamo.  


Isinugod naman sa pagamutan si Darwin Lajara na nasa kritikal pang kondisyon. Kinasuhan na ang driver ng nasabing truck sa pulisya. 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.