Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Ups and downs: Duda sa big game ang Bolts

January 15, 2020

 

Dobleng trabaho ngayong gabi ang gagawin ng Meralco Bolts bagamat duda ang starting bigman na si Raymond Almazan sa Game 4 ng PBA Governor’s Cup finals kontra Barangay Ginebra kahit na sa mga susunod na serye dahil na rin sa iniindang lateral meniscal tear sa kanyang kaliwang tuhod. 

 

Dumanas si Almazan ng matinding bagsak sa sahig sa unang anim na minuto ng Game 3,  kung kaya naman ito ang pagkakataon na sinamantala ng Gin Kings at pumalaot sa panalo, 92-84 para itarak ang 2-1 series lead. “It’s a big blow. Raymond has been playing great his series-rebounding defense, putback scoring. So, it’s definitely a big loss. We’ll see if he can come back but if not, everybody else got to step up. Next man up,” ayon kay  Bolts import Allen Durham na lumabas sa panulat ni OL  ng PBA.ph.  

  
Hahalili si Bryan Faundo, na naasahan at umiskor ng 10 pinch-hitting kapalit ni Almazan sa Game 3, na hindi naman gaanong nagamit si Reynel Hugnatan, bilang veteran ng PBA playoffs wars. 


Ang 6-foot-8 na si Almazan na kinuha ng Meralco noong mid-season trade sa Rain or Shine ay may averaged na 17.5 points, 11 rebounds at 1.5 blocks sa unang dalawang laro ng finals,  na nagpagaan sa pasanin ni Durham, ang unang binibigyan ng depensa ng Ginebra. 


Pinag-aaralan pa rin daw ayon kay Bolts team manager Paolo Trillo kung paano aayusin ang lagay ni Almazan. “We’ll talk to him and assess,” ani Trillo nang kumpirmahin ang resulta ng MRI test ni Almazan. 


Aminado si coach Normal Black na ang pagkawala ni Almazan sa Game 3 ang sinamantala ni Japeth Aguilar ng Kings kaya nakapagposte ito ng 23 points at 7 blocks.  “Our biggest concern is the fact that when Raymond was not around. You saw what happened with Japeth, he pretty much ran wild out there on the court,” ani Black.  “What he has done this conference is give us an opportunity to match up the big man of the other teams and without him, we almost had a hole in the middle. We will just try to find a way to camouflage it or try to fix it, “ dagdag niya.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr