Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pinoy boxers, hinahasa na para sa Olympic Q’fying

January 15, 2020

 

Masusing dumaraan sa matinding paghahanda ang buong koponan ng National Boxing bilang preparasyon sa Olympic Qualifying sa Pebrero 3-14 sa Wuhan, China.


Kasalukuyang nasa Thailand ang pitong miyembro ng men’s national team para roon hasain at paghandaan ang Asia-Oceania qualifying tournament na nakalaan para sa kontinente, ngunit, lima lamang ang nakatakdang maglaro rito para sa bansa dahil na rin sa iba’t ibang pangyayari,


Ang women’s team naman ay nananatiling nag-eensayo sa bansa kung saan inaantay nilang dumating ang ilang Australian boxers na makaka-partner nila, habang nagbabalak itong umakyat ng Baguio upang doon ipagpatuloy ang kanilang training.  


Kinabibilangan ang men’s team ng mga medalist ng nakalipas na Southeast Asian Games sa pamumuno ni 2019 World silver medalist at SEA games gold winner Eumir Felix Marcial na sasabak sa men’s under-75kgs, silver medalist Marjon Pianar (men’s under-69kgs) at Ian Clark Bautista (men’s under-57kgs). 


Kinakailangan namang pagpiliang mabuti ng coaching staff at National Boxing head kina biennial meet light-flyweight champion Carlo Paalam at flyweight king Rogen Ladon ang dapat lumaro sa men’s under-52kgs, habang titingnan din kina light-welterweight winner Jason Palicte at new-sensation Jere Samuel Dela Cruz ang sasabak sa men’s under 63-kgs category.


“They will be under evaluation na lang, but essentially, ‘yung nakita natin sa SEA Games, not necessarily the gold medalists, ‘yung mga nakipagtunggali, those participated in SEA Games are essentially those that we are looking at na ipapasok natin sa Olympic Qualifying tournament,” pahayag ni Association of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) secretary-general Ed Picson, kahapon sa lingguhang PSA Forum sa Amelie Hotel sa Manila. “Mayroon kasing mga weight divisions na tinanggal sa Olympics lalong lalo na iyong mga mabababang timbang, the light flyweight divisions have been scrapped in the Olympic programme. ‘Yung 49 sa lalaki at iyong 48 sa babae, wala na iyon, eh parehong gold medalist tayo dun nasa SEA Games,” dagdag ni Picson, kung saan sina Paalam at 5-time champion Josie Gabuco ang mawawalan ng slot sa naturang bagong programa ng quadrennial meet.


Inamin din ni Picson na mas malaki umano ang pag-asang makakuha ng slot ang mga Pinoy at Pinay boxers sa continental tournament dahil sa inilaang tig-6 na qualifiers sa men’s 52-63kgs division at tig-5 sa 69-81 kgs, gayundin sa women’s under 51 kgs category na lalaruan ni SEAG silver medalist Irish Magno, samantalang may tig-4 sa women’s under 57-75kg category na kakikitaan nina 2019 World champion at 30th edition queen Nesthy Petecio at wushu artist-turn-boxer Hergie Bacyadan sa 57 at 69 kgs, ayon sa pagkakasunod.


“Mas madaling mag-qualify actually sa Asia dahil mas maraming makukuha, tulad ng 52-57 at 63, top 6 ang makukuha, meaning kahit hindi ka nagmedalya, kahit quarterfinals lang, kung sino iyong tinalo ng eventual gold medalists eh magiging pang-lima, at kung sino naman ang tinalo ng eventual silver medalist ay pang-6,” esplika ni Picson.


Malungkot namang ibinalita ni Picson na maaaring hindi makasali si men’s under-81 kgs 2017 Kuala Lumpur Games champion at Filipino-British John Marvin sa qualifying tourney dahil sa tinamong hand-injury sa nakalipas na biennial meet sa preliminary round pa lang.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr