Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Paglipat ni Dave, pinanghinayangan

January 15, 2020

 

 

Nagpahayag ng malaking panghihinayang si Ateneo head coach Tab Baldwin sa pag-alis nito sa Katipunan-based team kung saan naging kontrobersyal ang hirit nito na matapos hindi nila nakuha si Dave Ildefonso sa recruitment; “I think we wanted Dave to rethink that decision or perhaps in hindsight,” na kinalauna’y binigyan niya ng pasensya.


Naging tampulan ng kontrobersiya ang lungga ng Bulldogs matapos mag-resign ang head coach nitong si Jamike Jarin matapos hindi ito makapasok ng Final Four at mahulog sa team standings. Pinalitan siya ni Goldwyn Monteverde, gayundin ang pag-alis sa ama nitong si Danny Ildefonso bilang assistant coach, na tila nagsilbing liyab para tuluyan ng lisan ng binate ang koponan.


Gayunman, malaki pa rin ang pasasalamat ng batang Ildefonso sa pamunuan ng Bulldogs lalo na kina Manny at Hans Sy sa suportang ibinigay rito sa kanyang pananatili sa NU. “I would also like to thank the NU community for welcoming me with open arms and for allowing me to represent the school. A big part of my heart will always belong to the Bulldogs and the NU supporters who were with me through the toughest of time,” ayon sa pahayag nito. “It’s never goodbye. No matter where my basketball journey takes me, I will always carry with me the memories and lessons I gathered while wearing the NU jersey. NU will always be a part of the person that I will become,” dagdag nito nang lumipat na sa Ateneo Blue Eagles.


Kinakailangan lang na dumaan sa 1-year residency ang batang Ildefonso sa season 83 at maaari ng maglaro sa season 84 sa susunod na taon, samantalang tatapusin na lamang ng kuya nitong si Shaun ang nalalabi niyang playing year sa NU Bulldogs.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr