Nagsimula bilang sexy star… Yam, naniniwalang nakabuti sa career niya ang paghuhubad noon

January 15, 2020

Mercy Lejarde / Showbiz Talkies

 

 

 

Dalawang Yam ang pasok sa first horror mo­vie ng Viva Films at Aliud Entertainment for this year 2020 titled Night Shift. Lead star si Yam Concepcion at writer-director naman si Yam La­ra­nas.

 

Sa grand mediacon ng Night Shift ay natanong ni yours truly kung ang magiging sequel ba nito ay “night sex” with no malice meant? At okay lang ba sa isang Yam Concepcion ang gumawa pa rin ng sexy movies?

 

“Tapos na ako ru’n. Nag­si­m­ula ako ru’n, at hindi ko ikinakahiya ‘yun. I’ve done a sexy drama before and I’m done with it.”

 

Paliwanag pa ni Yam: “Ka­si noong time na ‘yun, nag­sisi­mula pa lang ako, eh. Wala akong idea kung ano ba talaga ang nangyayari sa industriyang ito, so I really don’t have an idea.”

 

At ngayon, mas nais pa­tu­nayan ni Yam ang kanyang sarili bilang isang aktres.

 

“Tinanggap ko ‘yung ga­nu’ng mga projects noon kasi I trusted my management sa career path na gusto nila para sa akin at naniniwala ako na naging mabuti ang lahat ng ‘yun para sa akin,” she even added.

 

Five years na ang long-distance relationship ni Yam Concepcion at ng kanyang environmentalist boyfriend na si Miguel Cu-Unjieng kaya hindi maiwasang hindi siya tanungin kung meron na ba silang planong wedding this year 2020?

 

“Puwede, depende. Sana, huwag nating i-jinx,” na­ka­ngiting sagot ni Yam.

 

Nakatuon muna raw ang atensiyon ng aktres sa ma­gandang momentum ng kanyang showbiz career.

 

Ang maturity nila at matibay na foundation ng ka­ni­lang pagmamahalan ang dahilang sinabi ni Yam kaya ma­tatag ang relasyon nila ni Miguel.

 

“Very secure na tao siya, very supportive. Mabait na tao,” description pa ni Yam kay Mi­guel, na excited nang mapa­no­od ang Night Shift dahil fan daw si­­ya ng mga horror films ni Yam Laranas.

 

K, noted.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.