Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Lakers at Thunder, nanaig kontra Cavs at T’wolves

January 15, 2020

 

 

Umiskor si LeBron James ng 23 sa kanyang naibakas na  31 points sa second half nang itala ng  Los Angeles Lakers ang ika-siyam na  straight NBA victory, 128-99 laban sa Cleveland Cavaliers.


Habang nagpapagaling pa si Lakers star Anthony Davis dahil maga pa ang likod nito bunga ng masamang bagsak sa sahig, dumagdag si Dwight Howard ng season highs 21 points at 15 rebounds para sa Western Conference leaders.


Bumakas si James ng eight assists at nilampasan si Isiah Thomas sa 8th place bilang all-time favorite ng liga. Siya ngayon ay may 9,067 career assists. “Any time I’m linked with the greats it’s just an honor,” saad ni James nang malampasan ang nagawa ni Thomas.


Hindi nakalaro si James sa Lakers nitong nakaraang dahil may sakit ito, umibayo sa 2-0 laban sa Cavaliers mula nang humiwalay siya sa Cleveland at lumipat sa Los Angeles noong 2018.


Umangat ang Cavs sa 14-point lead sa first half pero nakadikit ang Lakers sa one point at nasundan ng pagpapasabog na 81 points sa second half. “Defensively we got stops and we had great pace. Even when they scored we got the ball out and continued to play with a lot of pace,” ani James. “That allows us to get into our offense. We’re playing with a lot of balance.”


Sa iba pang laban, itinala ni Shai Gilgeous-Alexander ang pangalan sa record books sa Minnesota nang tulungan ang  Oklahoma City Thunder na magwagi sa 117-104 kontra  Timberwolves sa bisa ng kanyang unang career triple-double.


Umiskor ang pitong Thunder players ng double figures pero si Gilgeous-Alexander ang may pinakamataas na 20 points, 20 rebounds at 10 assists.


Ang kanyang rebound total ay career high at pinakamatindi sa liga bilang guard sa naturang game ngayong season. 


Nakahilera niya si dating Thunder superstar Russell Westbrook bilang guards na may  20-points, 20-rebounds at triple-doubles sa huling 30 seasons.


Sa edad 21 at 185 days old siya ang naging pinakabatang player sa league history na may  20-rebounds triple-double, kung saan giniba ang   mark set ni Shaquille O’Neal noong 1993.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr