Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Lahat ginawa makuha lang ang Songbird…Jodi, ginamit si Regine para sa serye?

January 15, 2020

Vinia Vivar / Frankly Speak

 

 

Mistulang tribute to Regine Ve­lasquez ang My Single Lady na digital series ni Jodi Santamaria sa iWant. Sa kuwento kasi ay fan ni Asia’s Songbird ang nagpalaki sa karakter ni Jodi na si Chona na real name ni Songbird.

 

Sa trailer ay makikita ang mga posters at articles ni Regine dahil nga idol siya ng adoptive parent ni Chona.

 

Kuwento ni Jodi, ipinaalam daw nila kay Regine ang tungkol dito.

 

“Talagang pinuntahan namin siya sa house niya. Kinausap namin si Ate Redj. Nag-message muna ako sa kanya kasi siyempre, gusto rin namin siyang kunin for a part, and of course, mga songs niya,” ani Jodi.

 

Noong una nga raw ay hindi maka­pa­niwala si Songbird na si Jodi siya.

 

“Sabi niya, ‘Ha? Judy o Jodi? Judy Ann Santos?’ Ganu’n. At first, hindi siya nani­niwala na ako ‘yung nag-message sa kanya. Tapos, sabi ko, ‘Yes, ate, it’s me.’ Sabi niya, ‘Jodi, the actor?’” kuwento ni Jodi.

 

Hanggang sa ‘yun nga, nag-set sila ng meeting para iprisinta ang project.

 

“And talagang sabi namin, ‘Ate Redj, isa ka sa mga pundasyon ng istorya, hindi talaga puwedeng hindi ka umoo rito,’” sabi ni Jodi.

 

Thankful naman si Jodi dahil puma­yag si Songbird at may special appearance pa ito sa serye.

 

“Nagbigay siya sa amin ng schedule para mai-shoot namin siya and para ru’n, we’re very thankful kay Ate Redj na pi­nag­bigyan niya ‘yung programa,” dagdag pa ni Jodi.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr