top of page
Search
  • Levi Gonzales

Kagawad niratrat, patay


Isang barangay kagawad ang pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang lalaki sa Sitio 6 Looban, Bgy. Balagtas, Batangas City.

Sa inisyal na imbestigasyon, ala-1:10 ng madaling-araw, sakay ng kanyang Nissan Sentra ang biktimang si Danilo Manalo, 53, may asawa, nang abangan ito ng mga suspek.

Agad siyang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago nagsitakas ang mga salarin. Nadala pa ito sa pagamutan subalit, binawian din ng buhay.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa motibo at nasa likod ng nasabing krimen.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page