Career, frozen delight? Heart, walang bagong show sa siyete ngayong 2020

January 15, 2020

Erlinda Rapadas / Teka Nga

 

 

Nagtatanong ang ilang fans ni Heart Evangelista kung ba­kit hindi na­ba­banggit ang pangalan ng kanilang idolo sa mga magbi­bida sa mga ba­­gong serye ng GMA Network ngayong 2020? Ano raw ang pla­no ng Kapuso Network kay Heart?

 

Wala rin kasing param­dam si Heart sa kanyang mga social media account kung anu-ano ang kanyang pinagkaka­aba­­lahan nga­yon. Personal choice ba niya na huwag munang tu­mang­­gap ng teleserye?

 

Baka naman ang pagho-host o pagdya-judge ng mga bagong reality at singing con­tests ang ibi­bigay kay Heart ng GMA-7, ka­tulad ni Alden Richards na kapag nagtapos na ang seryeng The Gift ay magho-host ng talent search show na Centerstage.

 

Anu’t anuman, nakaka­tiyak naman ang mga fans at supporters ni Heart na hindi pababayaan ng GMA Network ang kanilang idolo. May existing contract pa siya sa Kapuso Network. Magiging abala pa rin ang taong ito para kay Heart dahil ma­rami siyang puwedeng gawin tulad ng pagpipinta, pagdi-design ng bags at damit, ang pa­giging bahagi ng fashion shows abroad, ang pagtulong sa mga charity pro­jects at ang pag-aasikaso sa mga ma­ka­buluhang proyekto ng kanyang mister, ang dating senador at ngayon ay gov­ernor ng Sorsogon na si Chiz Escudero.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.