Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Ang daming gimik… Solenn, pa-suspense pa sa pagpapakita ng mukha na baby

January 15, 2020

Nitz Miralles / Bida

 

 

Inuunti-unti ni Solenn Heus­saff ang pagpapakita ng face ni Thylane Katana, ang baby daughter nila ni Nico Bolzico.

 

Dalawang pictures ng baby ang ipinost ni Solenn. Sa isa, kita ang tainga ng baby. Kita na sana ang mukha nito sa pangalawang larawan kung saan dumedede ito, kaso nagtakip ang baby na parang alam na may camera sa harap niya.

 

Sa latest post ni Solenn sa IG Story, ipinasilip niya ang long eyelashes ni Thylane Katana. Siguro, sa mga su­sunod na photos ng baby nila ni Nico, kita na ang buong mukha nito.

 

Ibine-breastfeed ni Solenn ang anak kaya nang min­sang kumakain ito, malunggay soup ang nasa harap niya. Nabanggit din ni Nico na bawal masayang ang breast milk ni Solenn at lagot daw siya ‘pag nangyari ‘yun.

 

Napansin lang namin, bakit hindi naba-bash ng mga netizens si Solenn sa hindi pa pagpapakita sa face ni Thylane Katana? Bakit si Kylie Padilla, katakut-takot na bashing ang nakuha dahil sa pagtatakip nito ng mukha ng second son nila ni Aljur Abrenica?

 

Mabuti at hindi na lang pinapansin ni Kylie ang mga bashers na naiinis sa kanya, pero masisipag namang bumisita sa Instagram (IG) account niya.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr