top of page
Search
  • BULGAR

Lumindol, umulan ng abo, bato at buhangin.. Bulkang Taal sumabog


Nakataas ang Alert Level 4 sa Bulkang Taal sa Batangas kasunod ng pagsabog nito, kahapon ng hapon.

Nabatid mula kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Undersecretary Renato Solidum, bandang alas-11:00 ng umaga nang dumami ang naitalang volcanic earthquakes kasabay ng pagtaas ng tinatawag na steaming activities sa crater nito.

Una nang umabot ng isang kilometro ang taas ng pagbuga ng abo at usok o phreatic eruption bandang hapon kaya minabuti nang itaas ang Alert Level 3 sa Bulkang Taal. Sa kadahilanang patuloy na pag-aalburoto na bulkan ay itinaas na rin ito sa Alert Level 4.

“Nagkaroon nga ng unang maliit na pagsabog na 20 to 30 meters. Ito ay related sa hydrothermal activity… phreatic eruption. Pero mga pasadong 2:00 p.m., nagkaroon ng mas malaking activity na nagresulta sa isang eruption flumes. Siyempre, itanataas pa ito ng hangin,” dagdag pa ni Solidum.

Mula noong Marso 28, 2019 ay nakitaan umano ng “moderate to high level of seismic activity” ang Taal kasama rito ang Intensity I (scarcely perceptible) hanggang intensity III (weak shaking) na lindol sa mga barangay ng Calauit, Balete, Sitio Tibag, Pira-Piraso at Buco sa bayan ng Talisay, Alas-as at Pulangbato, San Nicolas, Batangas.

May napansin na ring pamamaga sa bulkan noong Nobyembre 2018 at noong Pebrero 2019 ay napansin din ng Phivolcs ang pagtaas ng dissolved carbon dioxide sa Main Crater Lake ng Taal.

Sinabi ni Solidum na bagamat, wala pang ebidensiya na may magma sa bulkan, pinayuhan na ang mga taga-isla ng Taal at mga turista na huwag nang tumawid sa isla dahil sa pag-ulan ng abo, maliliit na bato at buhangin.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page