top of page
Search
  • Mylene Alfonso

Mobile app para sa mga transaksiyon sa gobyerno, aprub


Maaari nang makipagtransaksiyon ang mga negosyante sa Maynila sa pamamagitan ng online matapos hikayatin ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na mag-download ng GO MANILA app (application) sa kanilang mga cellphone.

Ang pahayag ay ginawa ni Moreno habang nakikipagdayalogo sa mga stall owner ng 168 at 999 shopping malls. Sinabi ni Moreno na makatitipid pa ang mga may-ari ng negosyo sa panahon, pera, trapiko at mas mabilis kung sa online sila makikipagtransaksiyon.

Inatasan din ni Moreno sina Business Permits Chief Levy Facundo at Manila Public Employment Service Office (PESO) Chief Fernan Bermejo na tulungan sa kanilang magiging problema ang mga stall owner.

Sinabi ni Moreno na ang nabanggit na apps ay magkakaloob ng mas mabilis, epektibo at magiging kumbinyente pa ang mga negosyante.

Nabatid na sakop ng naturang mobile apps ang Real Property and Business Tax Payments; Wide range of facilities for payment of bills for government and private entities at E-Wallet for loading, payment, sending at receiving ng funds.

Ayon kay City Treasurer Jasmin Talegon, ang naturang app ay maaari lamang i-download sa mga Android phone at tinatrabaho pa ng lokal na pamahalaan kung maaari itong mai-download sa IOS phones.

Ayon kay Facundo, para sa mabilis na pagbabayad ng business fee, bago man o renewal ay maaaring humingi ng appointment online para sa mabilis na proseso.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page