top of page
Search
  • Ms. Jersy

Tips para mas mapatatag at maging maayos ang relasyon ng magdyowa

No Problem

Hindi lahat ng nasa romantic relationship o ‘yung silang mga ‘taken’ ay nagkaroon ng masayang taon kasama ang kanilang partner noong 2019, pero hindi sila sumusuko para mabigyan ng tsansa ang kanilang relasyon at hindi masayang ang kanilang pinagsamahan.

Gayunman, para sa mga beshies nating hindi nawawalan ng pag-asa, narito ang ilang tips para magkaroon ng ‘fresh start’ ang inyong relasyon:

1. ALAMIN ANG LOVE LANGUAGE NG ISA’T ISA. Hindi lahat ng couples ay alam ang love language ng kanilang partner at minsan, ito ‘yung dahilan kung bakit hindi nagwo-work ang relasyon. Paano? Ito ay dahil hindi ma-appreciate ng isa ang mga ginagawa ng kanyang partner dahil hindi ‘yun ang gusto niyang matanggap.

Halimbawa, oks ba ‘yung pagsisilbi sa kanya o acts of service o puwede na ‘yung words of affirmation? Napakahalaga na maunawaan ng mag-partner ang love language ng bawat isa para malaman kung paano magko-compromise at magwo-work ang relasyon.

2. PLANUHIN ANG TAON. Madalas, hindi nagkakaroon ng quality time ang mag-partner dahil hindi nila ito naplano. For sure, may mga hindi mag-a-agree dahil para sa kanila, mas masaya ‘yung biglaan, pero hindi ito applicable sa mga couples na sobrang busy.

Dahil simula pa lang ng taon, marami pang panahon para magplano ng mga long weekend trip, mga gagawin sa iba’t ibang okasyon tulad ng birthday, anniversary at kung anu-ano pa.

3. MAG-COMMIT SA PAGRESOLBA NG PROBLEMA. Kapag may pinagdaraanan kayo, resolbahin n’yo ito agad at ‘wag nang patagalin pa dahil hindi ito makatutulong. Sa pagresolba, hindi lang isa ang dapat mag-effort dahil dalawa kayong nasa relasyon.

Gayundin, kung sa tingin ninyo ay kailangan n’yo ng propesyonal na tulong, go lang at ‘wag kayong mahiya dahil para ‘yun sa ikabubuti ng relasyon ninyo. Tandaan, mahalagang maging committed ‘pag humingi ng tulong sa propesyonal para tiyak na masososolusyunan ang problema.

4. PAG-USAPAN ANG KANI-KANYANG PANGARAP. Anu-ano ang mga bagay na gusto mong ma-achieve ngayong taon? Hindi lang goals ninyo bilang couple ang dapat ninyong pagtuunan ng pansin dahil importante pa rin ang individual goals. Yes, besh! Ayon sa mga eksperto, kapag may ‘shared dreams’ kayo na puwedeng pagtulungan tulad ng pagkakaroon ng business, oks ito dahil makakatulong ang pagtupad nito sa pagkakaroon ninyo ng matatag na koneksiyon sa isa’t isa.

5. MAG-ISIP NG BAGAY NA GAGAWIN NANG MAGKASAMA. Ang pagkakaroon ng fresh start ay hindi lang tungkol sa pagpopokus sa mga isyu o pagtigil sa hindi magagandang ugali dahil puwede rin itong maging masaya. Kung hindi naging maganda ang nakaraang taon ninyo bilang couple, mabuting sumubok ng mga bagay na magiging masaya para sa inyo.

Mga bro at sis, madali lang, ‘di ba? ‘Wag nating sayangin ang panibagong taon para ayusin ang hindi naging maganda nating relasyon noong nakaraang taon. Mga beshies, make sure na ibabahagi ninyo ang ilang tips na ito sa mga kakilala ninyo. Gets mo?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page