top of page
Search
  • Levi Gonzales

Trike vs. bus, 4 patay


Apat katao ang patay habang tatlo ang sugatan sa salpukan ng traysikel at pampasaherong bus sa Maharlika Highway, Bgy. Bucal Sur, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Wilson Garma, driver ng tricycle; asawang si Florylane; amang si Cristito at ang 10 taong gulang na apo.

Kabilang sa tatlong ginagamot sa ospital ang isang 4 na taong gulang na bata. Wala namang nasaktan sa mga pasahero ng bus. Pasado alas-6:00 ng gabi, galing umano sa isang reunion party ang mga biktima at pauwi na nang maganap ang insidente.

Kakasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide and serious physical injuries ang bus driver na si Dario Aliocod, 57, ng Bgy. Sto. Cristo, Sariaya, Quezon, na kasalukuyang nakapiit sa Candelaria Police Station.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page