top of page
Search
  • BULGAR

Think positive, beshies! Mga dapat pagtuunan ng pansin bago matapos ang taon

No Problem

Ang bilis ng panahon, ‘noh? Parang kailan lang, pinag-iisipan natin ang New Year’s Resolution natin tapos ngayon, konting kembot na lang ay matatapos na ang taon. Bukod sa mga New Year’s Resolution na hindi natin nagawa, narito ang mga bagay na dapat nating alalahanin bago matapos ang taon:

1. OKS LANG KAHIT TAHIMIK ANG TAON. Kung walang masyadong ganap ang taon na ito, kumbaga, hindi siya gaanong bongga para sa iyo, oks lang ‘yun dahil for sure, nagkaroon ka ng growth. Malaki man o maliit, at least, mayroong growth. Sa totoo lang, lahat tayo ay may growth, pero minsan ay hindi ito kasingbongga ng inaasahan natin dahil may mga pagkakataon na tahimik itong dumarating sa buhay natin.

2. HUWAG HUMINGI NG TAWAD SA PAGIGING TOTOO. Besh, hindi mo kailangang mag-sorry dahil sa pagiging totoo. Halimbawa, ang pagiging madaldal o masyadong tahimik, paghingi ng tawad sa pagmamahal sa maling tao o sa iyong language of love. ‘Ika nga nila, hindi mo kailangang mag-adjust para hindi mapag-iwanan ng mga tao sa paligid mo. Ang mga taong nagmamahal sa iyo ay tatanggapin ka kahit ano o sino ka.

3. MAGING “EASY” SA SARILI. Naaalala mo ba ‘yung mga panahon na akala mo ay hindi mo kaya, pero nalampasan mo? Eh, ‘yung mga panahon na sobrang heartbroken ka at akala mo ay hindi ka na magiging okay ulit? Besh, kung naka-survive ka noon, siguradong ganu’n ka rin ngayon. Siguradong ginagawa mo ang lahat ng iyong makakaya para muling gumanda ang iyong buhay. Anuman ang pinagdaraanan mo ngayon, kahit sobrang sakit, please, keep going. Okie?

4. ALALAHANIN ANG MABUBUTING NANGYARI. Tuwing kalungkutan ang nangingibabaw sa iyo, isipin mo ang magagandang nangyari sa buhay mo. Sabi nga nila, ang buhay ay parang gulong dahil minsan, tayo ay nasa ilalim at may mga panahong nasa ibabaw tayo. Gayundin, hindi natin kontrolado ang lahat ng puwedeng mangyari kaya darating talaga ang ‘bad days’ at kapag nangyari ito, magpokus ka sa magagandang nangyari sa buhay mo, lalo na ang mga bagay na dapat mong ipagpasalamat sa Kanya.

5. MANIWALA SA KABUTIHAN. Minsan, umaabot sa punto na para tayong pinagdaramutan ng universe. ‘Yung tipong parang wala nang nangyayaring tama sa buhay natin kahit nagsisikap tayo. Mga besh, kahit parang walang nangyayaring tama, maniwala pa rin tayo sa mabubuting bagay dahil sabi nga nila, there’s a rainbow after the rain. Agree?

Mga besh, naging maganda man o hindi ang taong ito para sa inyo, be thankful. Kung ito ang sumubok sa inyong katatagan at naging daan para makilala ang inyong sarili, magpasalamat tayo. Huwag kalimutan ang mga bagay na ito para tapusin ang taon nang may peace of mind at kabutihan sa puso.

Copy?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page