top of page
Search
  • BULGAR

Tips para sa stress free at less gastos na media noche

No Problem

Napakahilig nating mga Pinoy sa handaan, lalo na kapag malalaking okasyon. ‘Yung tipong walang bisita ang uuwing gutom dahil required kumain at makipag-kuwentuhan. Ha-ha-ha!

Ngayong tapos na ang Noche Buena, Media Noche naman ang sabay-sabay nating paghandaan. Kaya mga besh, narito ang ilang tips para sa less-hassle na paghahanda sa bisperas ng Bagong Taon:

1. IHANDA ANG BUDGET. Kahit katatapos lang ng Noche Buena, ihanda na ang budget para sa Media Noche dahil kailangan nating matantiya kung magkano ang perang gagastusin natin para rito.

Makatutulong din ito para maiwasan ang paggastos nang marami kung puwede namang makatipid.

2. GUMAWA NG MENU. Kasama sa paghahanda para sa salu-salo ang paghahanda ng menu. Kung meron kayong pagkain na hindi nawawala sa hapag tuwing Bagong Taon, magiging madali na lang ang paggawa nito.

Gayundin, puwede n’yo nang isabay ang pagtsetsek ng mga rekado na natira noong Pasko para hindi n’yo na kailanganing bumili nang marami.

3. I-SCHEDULE ANG PAMIMILI. Para hindi makipagsiksikan sa grocery o palengke, mabuting gawin ito nang maaga at hindi sa gabi ‘pag marami nang namimili pagkatapos ng trabaho. Tandaan, mas mataas ang bilihin habang papalapit ang last minute shopping kaya alam n’yo na, ha?

4. MAGING PRAKTIKAL. Sa usaping pamimili, dapat nating tandaan na hindi importante ang brand ng mga rekado, lalo na kung mahal ito.

Kung meron namang mas murang alternatives, why not, ‘di ba? At sa halip na mag-order ng ibang ihahanda, pagtulungan na lang itong lutuin sa bahay dahil nakatipid ka na, nakapag-bonding pa kayo.

Mga momshies, ready na ba kayo? ‘Wag kalimutang ibahagi ang ilang tips na ito para sama-sama tayong makapaghanda at makatipid ngayong Media Noche. Simulan n’yo na ang paghahanda para less-hassle at happy lang ngayong Bagong Taon.

Gets mo?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page