top of page
Search
  • Levi Gonzales

Stepdad, kapitbahay, 3 pa suspek.. 11 yrs. old ni-rape, pinatay


Malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad upang matukoy ang responsable sa karumal-dumal na pagpatay sa isang menor-de-edad na babae sa Batangas.

Base sa ulat, natagpuang wala ng buhay ang bangkay ng biktimang si Ma. Cristina Valerio, 11, estudyante, ng Bgy. San Roque.

May mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan kung saan tanda ng ginawang pagpapahirap sa kanya.

Natagpuan malapit sa crime scene ang underwear nito at posibleng ginahasa muna bago ito pinatay.

Lima naman ang nakikitang posibleng suspek sa krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso at kabilang ang kanyang stepfather maging ang kapitbahay ng biktima.

Naglagak na ng paunang P30,000 reward sa sinumang makapagtuturo ng primary suspek. Sa ngayon ay hindi tumitigil ang kapulisan upang agad maresolba ang nasabing krimen.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page