top of page
Search
  • MC / Servinio / Arce

SEAG fever, tuloy pa rin! Debut Games, namayagpag


Napakasayang araw na ito para sa Team Philippines at sa buong bansa habang ipinagdiriwang ang pagbabalik hari ng Pilipinas sa SEA Games.

Mahirap wakasan ang kasiyahang namumutawi sa puso ng bawat Pilipino lalo na ng mga kabataang buong puso ang pagmamahal sa palakasan na tila isang SEAG fever para sa marami.

Mula nang magsimula noong 1959 ang SEA Games, unang nag-host ang bansa noong 1981 ng 11th biennial meet at 7 bansa lamang ang kalahok noon sa ilalim ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nalagay sa rank no. 3 ang bansa sa 55 gold, 55 silver at 77 bronze sa 18 sports na pinaglabanan. Pagsapit ng 1991 sa ika-2 pag-host ng Manila, ika-16th SEAG ay may 18 sports ang inilatag sa ilalim ni Pang. Cory Aquino. Sa ikalawang pagkakataon, isang medalya lang ang inilamang ng Indonesia para sa kampeonato, 91-62-86 para sa rank. no. 2.

Pero sa ikatlong pagkakataon na pag-host ng ‘Pinas ang 23rd SEAG noong 2005, may 11 bansa na ang kalahok at may kabuuang 443 na event sa 40 disiplina ang pinaglabanan. Dito unang nagtagumpay na makuha ng bansa ang kampeonato sa may 113 gold, 84 silver at 94 bronze para sa kabuuang 291 medals.

“We all worked hard for this. The Philippine Olympic Committee, national sports associations, the Philippine SEA Games Organizing Committee, the government, the private sector and the Filipino people all came together to show our team that they have the whole nation rooting for them. Salamat po sa lahat.

Our athletes gave their all and they deserve all the respect and care that we can give them, as kababayans and as a nation. You all made us proud. Salamat sa inyong sakripisyo, tiyaga at pagpupursigi. All your hard work and achievement produced more than just medals. It lifted the spirit of a nation hungry for inspiration and hope. It awakened the spirit of patriotism. Old Filipino values were in full show for the Filipino youth to see and emulate. Pinaalala niyo sa amin na ang sarap maging Pilipino, lahi ng magigiting!!! For all these, maraming salamat! mga wikang nag-uumapaw sa puso ng lahat ng bumubuo ng matagumpay na 30th Southeast Asian Games sa bansa, partikular ng pamunuan ng PHISGOC at ni Philippine Sports Commissioner Chairman William Ramirez na siya ring nagsilbing Chef de Mission mula sa unang overall championship ng ‘Pinas noong 2005 Manila SEA Games.

Ang pinakamalaking event na nakakuha ng gintong medalya ay ang arnis, ang stick-wielding martial art na orihinal na sport talaga ng Pilipinas at dito sa bansa nagsimula ang palakasan na ito na humakot ng 14 na ginto sa nakatayang 20 gold medal.

Ang ‘Pinas din ang nagwagi ng 6 na gintong medalya sa obstacle course, ang men’s at women’s sa 3x3 basketball ay nakaginto rin at anim sa walong nakataya sa skateboarding. Ang lahat ng mga nabanggit na sport ay sumalang sa debut competitions sa may kabuuang 56 na sport event na idinaos sa biennial games. Nanguna rin ang Pilipinas sa larangan ng ESports, ang paglalaro sa pamamagitan ng computer at kauna-unahan itong paglalaro ng Pilipinas sa medal sport na itinuring na isang major games na naka-tatlong gold medal.

Naghahari talaga ang Pilipinas pagdating sa puwersa ng basketball sa Southeast Asia sa mahabang panahon, ang pagwawagi natin sa SEA Games ng 18 beses sa 20 paglalaro ay patunay lamang na malakas tayo sa sport na ito. Huling nabigo ang Pilipinas ng gold medal ay noong 1989 sa Kuala Lumpur kung saan ang Malaysia ang naka-ginto.

Dominado pa rin ng Pilipinas ang kompetisyon, anumang bansa ang iharap sa mga Pinoy cagers. Kahit pa mga amateurs ang isabak mula sa collegiate teams, nananatili silang tagumpay laban sa professional players ng ibang bansa.

Pero para kay Gilas coach Tim Cone sa panahon ngayon, ‘No.’ No, we can’t bring amateurs anymore to the Southeast Asian Games. They have gotten too good. We gotta bring our best players.” “Back 20 years ago when I coached the Centennial Team at ’98 Bangkok, we totally dismissed the Middle Eastern teams,” ani Cone, na tinutukoy ang squads ng Iran, Lebanon, at Jordan. “We just went out there and crushed them, we didn’t even prepare for them.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page