top of page
Search
  • Mylene Alfonso

PDEA, PNP, militar at media pasok.. Bigtime sa drugs, tinukoy


Bukod sa mga pulitiko at celebrities, ibinunyag kahapon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na may mga miyembro rin ng PDEA, AFP at media ang kabilang sa kanilang high value target list.

Ayon kay Aquino, hindi basta-basta at sa halip ay maituturing na malalaking pangalan sa larangan ng pamamahayag ang mga media personality na kasama sa HVT.

Ani Aquino, hindi user kundi nagsisilbi umanong mga “protektor” ang mga kagawad ng media na kasama sa kanilang HVT.

Ang mga ito ayon pa kay Aquino ay nabibilang sa tri-media na nangangahulugan ay mayroon sa broadcast, print at online.

Una rito, ibinulgar ng PDEA chief na umaabot sa 12,000 ang kabilang sa kanilang HVT na rito ay may mga nasa local government, barangay, habang mayroon ding congressman sa naturang listahan.

Samantala, aminado si Aquino na nahirapan siyang makitungo kay Vice-President Leni Robredo nu’ng ito ay co-chairperson ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Nahirapan siyang i-dictate kay Robredo ang mga kailangan nitong gawin bilang ito ang ikalawang may pinakamataas na posisyon sa bansa. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi na niya napigilan ang pakikipagpulong ni Robredo sa ibang foreign groups.

Sa kabila ng pagkakasibak kay Robredo sa ICAD ay pinuri pa rin ng kalihim ang mga nagawa ng pangalawang-pangulo sa anti-drug body.

Nabatid na sa kanyang 19-na araw sa posisyon sa ICAD, nakapagsumite si Robredo ng dalawang recommendation reports kay Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan kinomply ito ni Aquino at binigyan ng kopya ang mga miyembro ng ICAD. Nabatid na sa Enero sa susunod na taon ay pinasusumite ng kalihim ang ICAD member-agencies ng kanilang compliance sa mga rekomendasyon ng bise-presidente.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page