Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Ika-3 ginto sa Esports iniambag ng DOTA 2

December 12, 2019

 

Nag-AMBAG ng tatlong ginto ang bagong disiplina na ESports sa pagwawakas ng 30th Southeast Asian Games.  Matagumpay na nairaos ang torneo sa FilOil Flying V Centre na palaging puno ng mga manonood kahit umabot ng madaling araw ang tapos ng mga laro.


Dumating ang ikatlong ginto sa “Defense of the Ancients 2” o mas kilala bilang DOTA.  Ang koponan ay binubuo nina James Guerra, Bryle Jacob Alvizo, Van Jerico Manalaysay, Marvin Rushton at John Anthony Vargas.


Isinara ng Sibol ang kampanya sa pagsungkit ng pilak at tanso sa “Tekken 7” para kay Alexandre Gabrielle Laverez at Andreij Hosea Albar.  Ang DOTA at Tekken ang dalawa sa masasabing mas sikat at maraming naglalaro sa Pilipinas. ”Gusto naming ibahin ang imahe ng ESports,” wika ni Alvin M. Juban, opisyal ng Sibol.  ”Puspusan din ang paghahanda at sakripisyo na ginawa nila para maka-ginto.” Ayon kay Juban, nasa plano ng Sibol na isama sa programa ang jogging at gym gaya ng ibang atleta.  Ito ay para maalagaan ang pangkalahatang kalusugan ng mga manlalaro.  Napunta sa Sibol Pilipinas ang unang ginto sa “Mobile Legends: Bang Bang”, isa sa anim na napiling titulo ng laro.  Kasama na ang mga pangalan nina Kenneth Jiane Villa, Carlito Ribo, Jeniel Bata-anon, Angelo Kyle Arcangel at Allan Castromayor.


 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr