Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pagbaba ng hatol sa Maguindanao massacre, live na mapapanood — SC

December 11, 2019

 

Maaari nang mapanood ng publiko nang live ang pagbaba ng hatol sa mga akusado sa Maguindanao massacre.


Ito ay matapos aprubahan ng Korte Suprema ang hirit na magkaroon ng live coverage sa promulgasyon ng kaso sa Disyembre 19.


Gayunman, dalawang camera lang ang pinayagan ng Korte Suprema sa loob ng court room. Ito ay magmumula sa government TV station PTV4.


Ayon kay Supreme Court Spokesman, Atty. Brian Hosaka, ang unang camera ay kailangan  nakatutok lamang kay Judge Jocelyn Solis-Reyes, ang may hawak sa kaso, habang ang ikalawang camera naman ay sa mga sangkot na partido at kanilang council.


May tamang anggulo lamang ang papayagan at bawal ang pag-zoom-in at zoom-out ng video.


Ang ibang accredited media entity ay maaari namang kumuha ng live feed mula sa PTV 4 para sa kani-kanilang broadcast.


At dahil maliit lang ang espasyo sa loob ng court room, limitado lamang ang bilang ng media na papayagan sa loob ng court room.


Bawal din ang cellphones, audio at video recorders.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr