Martial Law sa Mindanao aalisin na ni P-Duterte

December 11, 2019

 

Inianunsiyo ng Malacañang na nagdesisyon na si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi i-extend o palawigin pa ang Martial Law sa Mindanao na magtatapos sa December 31, 2019.


“The Office of the President wishes to announce that President Rodrigo Roa Duterte is not extending Martial Law; it will expire on December 31, 2019,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Malacañang.


Ang naging desisyon umano ay batay na rin sa assessment report ng kanyang security at defense advisers. Base rin umano sa pagtaya ng mga adviser ng pangulo ay tuluyan nang humina ang terrorist and extremist rebellion sa lugar matapos  mahuli ang mga lider nito.


Bukod dito, bumaba na rin umano  ang crime index sa naturang rehiyon.


Matatandaang, noong Mayo 2017 nang ideklara ni Pangulong Duterte ang Batas-Militar sa Mindanao matapos kubkubin ng Maute-Isis Group ang Marawi City hangang ma-extend ito noong 2018 at ngayong 2019.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr