top of page
Search
  • Ding Taboy

Case Bell vs. Sunny Side sa WTA, pick 6

RENDA at LATIGO

Magaganap ang condition race na paglalabanan ng limang grupo kasabay ng 2 year old maiden race at condition race merged sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite ngayong gabi.

Kasabay nito, bibitiwan ang Winner Take All (WTA) Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na kapapalooban ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six. Tatawid ang mga kalahok sa 1,400 meters karera at tiyak na may lulusot na dehado sa pista ng San Lazaro Leisure Park.

Sa umpisa ng Race 1, kasabay ng WTA at Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six nakalalamang ang Yes All Wee Bet sa mga kalaban na More Or Less at Water IntoWine at Jebel Ali.

Sa panimula nang Pick 6 sa Race 2 magkakasubukan ang mga kalahok na couple entry na Greatest Joy at Wild Dance laban sa Moal Boal Island at couple entry na Speeding Hero at Hot Legs.

Sa Race 3, maglalaban-laban ang mga kalahok na Rosario Princess, Luyang Cave at Couple Entry na Mahilig at Nasayona Ang lahat, Captain of the Sea kasabay ng Pick 5. Sa Race 4, ipinapatok ang Drummer Boy at makakalaban nito ang Here I Am at Navy Cut na simula ng Pick 4. Sa Race 5, nakalalamang ang Sunny Side sa Case Bell, Indelible Quaker at Single Flower sa Condition Race 18.

Mahigpit na magkakalaban ang Baling Rikit at Double Rock at isama ang dehadong ang Blowby sa Race 6. Sa Race 7, ipinapatok ang Mood Swing na Couple entry nitong ang Chance the Racer, habang magkakalaban sa Segundo ang Shanghai Noon at lemonade sa pagtikada nang Condition Race Merged 10.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page