Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

SEA Games : Tinalo ng Team Sibol ang Thailand sa DOTA 2

December 10, 2019

Tinalo ng Team Sibol Pilipinas ang Thailand matapos ang isang madugong labanan ng Bo5 Dota 2 kahapon. Binubuo ang Team Sibol nina Mc Nicholson "MC" Villanueva, John Anthony "Natsumi" Vargas, Jun"Bok" Kanehara, Marvin Salvador "Boomy" Rushton, Bryle Jacob "CML" Alvizo, Van Jerico "Van" Manalaysay at James Erice "Erice" Guevarra.

 

Nagpakita ng gilas ang Pilipinas sa game 1 at tapusin sa iskor na 24-14 sa loob ng 38 minutes. 

 

Ngunit bumawi ang Thailand sa game 2 para itabla ang laban sa 1-1 na may iskor na 35-9. 

 

Muling bumawi ang Team Sibol Pilipinas sa game 3 sa isang dikitang laban na may iskor na 30-35 sa loob ng 42 minutes.

 

Muling nagpakitang gilas ang Thailand matapos idomina ang Pilipinas sa iskor na 34-17 upang makuha ang panalo sa game 4.

 

Malupit na ipinaglaban ng Team Sibol ang Pilipinas sa kabila ng kalamangan ng Thailand pagdating sa team kill sa iskor na 16-28, upang tuluyang ng mapasakamay ang gintong medalya sa kaunaunahang E-Sport sa SEA Games.

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr