Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Mobile Legends: Bang Bang at boxer Paalam, naka-gold

 

Gumawa ng kasaysayan ang koponan ng Sibol National E-Sports matapos tipahin nito ang unang gintong medalya sa Mobile Legends: Bang Bang sa Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games sa San Juan Arena, Linggo ng gabi.

 

Isang malaking ‘Victory’ ang inilapat ng Sibol National team laban sa top seed at kinokonsiderang malakas na Indonesian squad via 3-2 iskor para sa isang come-from-behind win. Naging mahirap din ang pinagdaanan ng koponan matapos itong dumaan sa matinding laban sa Thailand upang masiguro ang isang playoff spot. Nilagpasan muna ng Sibol ang Vietnam sa dalawang laro sa lower bracket sa semifinals bago nito itumba ang Malaysia para makatuntong sa championship round.


Naging matindi ang tapatan ng mga karakter ng bawat manlalaro, matapos makauna ang Team Sibol sa Game 1, ngunit bumawi ng dalawang sunod na panalo ang Indonesia para makalamang sa 1-2. Hindi nagpatinag ang koponan ng Sibol nang gamitin na nito ang mga kombinasyon nitong karakter sa MLBB kung kaya’t nakatabla ito sa Indonesia sa 2-2.


Sa pandiinang laro sa Game 5 ay naging agresibo at pursigido na ang koponan ng Sibol ng dominahin nito ang Indonesian team upang makuha ang gintong medalya sa laro. “Mahirap kasi sa amin iyong makuha mo iyong blending ng laro ng bawat isa, kaya kami todo ensayo talaga kami in preparation for this (SEA Games). Kaya masasabi ko eh worth it naman lahat ng sacrifices namin,” pahayag ni Sibol coach Brian Lim.


Ang mahuhusay na naglaro sa Mobile Legends: Bang Bang Team ay sina Angelo Kyle “Pheww” Arcangel, Karl Gabriel “KarlTzy” Nepomuceno, Kenneth Jiane “Kenji” Villa, Carlito “Ribo” Jr., Jason Rafael “Jay” Torculas, Jeniel “Haze” Bata-Anon at Allan Sancio “Lusty” Castromayor.


Nakatakda pang lumaban para sa gold medal match si Caviar Napoleon “EnDerr” Acampado laban kay Thomas Maria Kopankiewicz ng Singapore sa Starcraft, habang lalaban pa si Alexandre Gabrielle “AK” Laverez sa Tekken 7 habang isinusulat ito kahapon.


Sa isang banda, iinakita ng Malaysia na isa sila sa malaking hahamon sa Sibol nang magwagi sila pagdating ng Lunes ng umaga sa Hearthstone PC sa kabayanihan ni  Yew Weng Kean.  Nablanko ang Sibol at si Werit Popan ng Thailand ang pilak at Chew Khai Kiat ng Singapore ang tanso.  


Samantala, nakabawi ang boksingerong si Carlo Paalam sa kabiguan niyang magwagi ng medalya noong 2017 Kuala Lumpur SEA Games nang angkinin niya ang gold medal kahapon sa men’s light flyweight category ng 30th SEAG boxing competition sa PICC Forum.


Nag-iisang Pinoy boxer na nabigong magwagi ng medalya noong nakaraang 29th edition ng biennial games, ginapi ni Paalam si  Kornelis Kwangu Langu ng Indonesia sa pamamagitan ng  unanimous decision upang makamit ang una niyang SEA Games medal.


Naunang tinalo ni Paalam si Khamphouvanh Khamsathone ng Laos sa pamamagitan din ng unanimous decision sa quarterfinals habang sumunod si  Mohd Muhamad Fuad ng Malaysia sa semifinals.


Ang Malaysian ang siyang naging dahilan kung bakit hindi umabot ng medal round si Paalam noong 2017 nang talunin siya nito sa quarterfinals pa lamang.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr