Miss Philippines Gazini Ganados, pinuri ng Palasyo

December 10, 2019

 

Bagama’t, hindi pinalad na makapasok sa finals ng 2019 Miss Universe, pinuri pa rin ng Malacañang si Miss Philippines Gazini Ganados.


Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dahil sa maayos na naiprisinta ni Ganados ang Pilipinas sa prestihiyosong patimpalak na ginanap sa Atlanta, Georgia sa USA.


Sinabi ni Panelo na naipagmalaki  at  nagbigay ng kaluwalhatian si Ganados sa pamamagitan ng  pagpapakita ng kakaibang ganda at talento ng isang Filipina.


“The Palace lauds Miss Philippines Gazini Ganados for representing our country well in the Miss Universe Pageant in Atlanta, Georgia, USA,” ani Panelo.


“Ms. Ganados has given pride  and glory to the Filipino nation by showcasing the unique beauty and talent of the Filipina,” dagdag pa nito.


Ang karanasan umano ni Ganados sa Miss Universe ay tiyak na makadaragdag sa kanyang development bilang beauty queen.


Hangad aniya ng Palasyo ang lahat ng kabutihan ni Ganados para sa iba pang susuungin nito sa buhay.


Nabatid na nasa Top 20 lamang si Ganados at hindi na nakapasok sa Top 10 finalists.
 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.