Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Gastos sa SEA Games, tatalupan — Ombudsman

December 10, 2019

 

Iimbestigahan na ng Office of the Ombudsman ang  mga nag-organisa ng 30th Southeast Asian Games sa bansa sa harap ng mga alegasyong nagkaroon ng katiwalian.


Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, bumuo na ng pitong-miyembrong panel upang magsagawa ng fact-finding investigation sa umano’y korupsiyon sa pondo ng SEA Games.


“We are into that. I created a panel fact-finding panel. Kapag may nakitang ebidensiya, then  we will file a case on alleged corruption,” ani Martires.


Tiniyak din ni Martires na wala silang palulusutin sa pagsisiyasat kahit pa ang Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) na  pinamumunuan ni Speaker Alan Peter Cayetano.


“Lahat ng agencies covered kasi isa lang pinanggalingan  ng pera niyan, eh. Hindi puwedeng hindi kasama ang PHISGOC,” dagdag nito.


“Hindi tayo puwede maging selective sa ating investigation,” diin pa ni Martires.


Aabot sa P7.5 bilyon ang inilaang pondo ng gobyerno para sa pagiging host ng Pilipinas sa 30th SEA Games ngayong taon.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr