top of page
Search
  • Janice DS Navida

BF, hinihintay na lang mag-propose... Vice, umaming napag-uusapan na nila ni Ion ang kasal

Pang-MMFF ang The Mall, The Merrier na entry ni Vice Ganda this year, pero parang Valentine’s Day ang ambiance sa presscon ng movie na ginanap kagabi sa Dolphy Theater kung saan bukod kay Vice, present sina Dimples Romana, Tony Labrusca, Jameson Blake and Elisse Joson, mga comedians na sina MC, Lassy, Brendamage, Petite, Chad Kinis, Ate Girl Jackie Gonzaga at siyempre, ang dyowa ni Vice na si Ion Perez.

Wala si Anne Curtis na mas kailangang magpa­hinga dahil buntis kaya sa socmed na lang daw ito mag­po-promote.

‘Katuwa sina Vice at Ion na simula pa lang ng press­con, may pakilig nang mas masarap daw magtrabaho nga­yon dahil kasama nila ang taong mahal nila.

Mang-inggit ba? Char!

Inulit din ni Vice ang dahilan when asked kung anong nagustuhan niya kay Ion. Aniya, si Ion lang sa lahat ng nakarelasyon niya ang ‘di siya ikinahiyang i-holding hands at yakapin in front of madlang pipol.

Kaya naman, na-curious kaming itanong kung saan ba hahantong ang relasyon nila. Asked namin si Vice kung may sequel ba ang The Mall, The Merrier next year na ang title na ay The Mall, The Merrier and The MARRIED?

Napangiti si Vice at ang sagot, feeling daw niya ay girl na girl siya dahil sa ta­nong. Inamin naman niyang napag-uusapan na nila ni Ion ang kasal pero wala pa raw definite plans at siyem­pre, ang proposal ay dapat nga namang manggaling kay Ion.

Nang hingin ang reaksiyon ni Ion, aniya naman ay ayaw niyang magsalita nang tapos pero malay daw natin, baka naman.

Samantala, naikuwento rin ni Ion na 15 silang mag­kakapatid pero namatay na ‘yung isa. Na-meet na raw ni Vice ang mga kapatid ni Ion at tanggap naman daw siya ng mga ito, although hindi naman daw sila super close.

Nagkakilala na rin ang mga nanay nila kaya kum­baga, wala na talagang problema sa both parties.

So, abang-abang tayo. Baka na­man ‘pag naka-P1 billion gross na ang The Mall, The Merrier this year, sa sobrang tuwa ay maisipan na rin ni­na Vice at Ion na magpakasal na nga. Hehehe!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page