Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Mula Cavite pa-Maynila.. Libreng water jeepneys, bumiyahe na — DOTr

December 9, 2019

Photo: Department of Transportation - Philippines

 

Magbibigay ng libreng pagsakay sa publiko sa water jeepneys mula Cavite City hanggang Maynila at pabalik nang isang buwan.


Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) kasabay ng paglulunsad nito ngayong araw.


Ayon kay DOTr Sec. Art Tugade, pumayag ang dalawang shipping company na Seaborne Shipping Company Inc. at Shogun Ships Co., Inc. na ilibre ito sa mga mananakay sa pagsisimula ng operasyon nito.


Ito ay bilang pamaskong handog ng DOTr, MARINA, PCG, PPA at lokal na pamahalaan ng Cavite.


Katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, layunin ng Cavite-Manila Ferry route na bigyan ng alternatibong transportasyon ang ating mga kababayang Caviteño. Ani Tugade na magsisimula ang libreng sakay ngayong araw, Disyembre 9, hanggang Enero 9, 2020.


Sa pamamagitan ng water jeepneys, ang kasalukuyang tatlo hanggang apat na oras na biyahe mula Maynila hanggang Cavite at pabalik ay magiging 15-20 minuto na lamang.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr