Hirap daw sa pag-aaral.. Kinder to grade 3, 3 subjects na lang

December 9, 2019

 

Isinusulong na mabawasan at ibaba na lang sa tatlong subjects ang ituturo sa mga mag-aaral simula sa Kindergarten hanggang Grade 3.


Ayon kay House Committee on Basic Education and Culture chairman at Pasig City Rep. Roman Romulo, layon nitong matiyak na may matututunan ang mga estudyante lalo na sa pagbabasa.


Sa ganitong paraan ay gaganda pa aniya ang kalidad ng edukasyon sa bansa.


Tinukoy ni Romulo ang mga subject na Reading, Math at Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa mahalagang maipaunawa sa mga bata.


Ang pahayag ng kongresista ay sa harap ng pangungulelat ng Pilipinas sa aspeto ng reading comprehension batay sa resulta ng global survey ng Program for International Student Assessment (PISA) ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD).


Kung maaga aniyang mahahasa sa pagbasa ang mga estudyante ay magiging madali na sa mga ito ang pagsulat.


Sinabi ni  Romulo na hindi kailangang maging problema ngayon ang accessibility ng mga babasahin dahil mayroon ng online platforms para makakuha ng kopya ng mga babasahin.


Ang nangangailangan aniyang resolbahin nang pangmatagalan ay kung paano matitiyak ang kalidad ng edukasyon. 


Sa ngayon, nasa pito hanggang walong subjects ang required para sa mga mag-aaral sa mga nasabing baitang.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.